Sunday, January 23, 2011

Si Karlo at ang teknolohiya

  Nang hapong yaon...
   Katatapos lamang mananghalian ni Karlo, at agad siyang pumunta sa lugar sa bukid nila na tila siya lang ang naroroon. Umupo siya at sumandal sa puno ng mangga. Tila malalim ang kanyang iniisip. Nakataas ang kanyang ulo at pinagmamasdan ang mga ibon na malayang lumilipad sa alapaap. Huminga siya ng malalim at bahaguyang pumikit. 
"Sana dito na lang ako sa bukid kasama si Tatang Nardo." pabulong na wika nito. 
 Bakas sa mukha ni Karlo ang kalungkutan.
 Isang malakas na sigaw ang pumukaw sa kanyang atensyon.
"Karlo!" tila nag-aatubiling tawag sa kanya na kanyang Tatang Nardo.
"Nandiyan na po."
Dali-daling tumakbo si Karlo papunta s kanyang lolo upang malaman kung siya nito pinatatawag.
"May tawag para sayo, mula sa iyong ina."
"Hello?"
"Baby, kamusta ka na?  ayos ka lang ba diyan? Gusto mo na bang bumalik dito sa Maynila? Namimiss ka na namin ni Daddy mo!" isang malambing na tinig mula sa kanyang ina sa kabilang linya. 
"Ayos lang ho."walana kagana-ganang sagot ni Karlo sa ina.
"Sige ho, paalam."

 Pagkababa ni Karlo ng telepono,bumalik agad siya sa kinaroroonan niya kanina.
 Si Karlo ay isang 2nd year H.S student, labing-apat na taong gulang na siya., pero nagtataka siya kung bakit "baby" pa rin ang tawag sa kanya. Isa siyang teen-ager na humahanap ng atensyon mula sa kanyang mga magulang.
 Nang siya ay nakaupo na at nakasandal , bibla na naman niyang naisip ang iniisip kanina.
 "Mabuti pa ang mahihirap na bata kahit wala silang mga gadgets na mayroon ako, mayroon naman silang mga magulang na nagmamahal sa kanila. Aanhin ko ang mga gadgets na ito kung ang mga magulang ko naman ay walang oras sa akin.Mas gusto ko pa dito sa bukid, tahimik at may taong nagmamahal sa akin. Kaysa sa Maynila na kung hindi nag-aaway sili Mommy at Daddyay lagi naman silang nasa trabaho. Kung kaya't ang kompyuter, cellphone at iba pang mga gadgeys ana kasa-kasama ko sa bahay" malungkot na isinasaisip ni Karlo.
 Hindi na namalayan ni Karlo na madilim na . Nang siya ay naglalakad pauwi, biglang may tumawag sa kanya...
 "Karlo,Karlo!" isang maliit na boses galing sa likod ng Akasya.
 Dahan-dahanglumapit si Karlo upang malaman kung sino o ano ang nagsasalita . Paglapit niya, nakita niya ang kanyang cellphone.
 "Papaanong napunta ang cellphone ko dito?" nagtatakana tanong ni Karlo sa sarili.
 "Karlo! ako ito."
 Bahagya niyang nabitawan ang kanyang cellphone.
 "ARRAYY!!"
 Tatakbo na sana siya nang bigla ulit itong nagsalita.
 "Hanggat hindi mo ako kinakausap, hindi ako titigil!"
"Ano bang kailangan mo?"
 "Simula gr. 4 ako na ang kasama mo!, Kaya alam ko ana mga saloobin mo!"
 Nawala ang takot ni Karlo sa narinig...
 "Alam kong uhaw ka sa atensyon ng mga magulang mo! Pero tandaan mo lahat ng ginagawa nila ay pare sa iyo! Huwag ka sanang magtanim ng galit sa kanila! Tandaan mo iyan. Alam kong mahal ka nila at mahal mo rin sila! 
 Tumatak kay Karlo ang mga salitang iyon.

   Nang siya ay matutulog na, iniisip pa rin niya ang mna sinabi sa kanya na cellphone niya.

   Ika-pito na ng umaga nnang magising si Karlo.
  Narinig niya ang masasayang tawanan sa kamilang salas .
  Hindi siya maaaring magkamali, iyon ang boses ng kanyang  mga magulang. Walang paliguy-ligoy pa, agad siyang lumapit sa kanyang mga magulang at yumakap.
 "Sorry poi Mommy and Daddy! Alam ko pong nagkamali ako. Sana po ay patawarin ninyo ako." wika ni Karlo.
  "Pinatawad ka na namin anak." sabi ng kanyang ina.
  "Mahal na mahal ka namin Karlo!" wika ng kanyang ama.
  "Mommy, Daddy kung pupuwede po sana ay huwag ninyo na akong tatawagin na "baby" kasi po malaki ma ako."
  "Walang problema anak basta ikaw! " sabi ng ama niya.
  "Basta ikaw Karlo !...MY BABY!!" sabi ng kanyang ina.
  "Mommy!?"


   At sabay-sabay nagtawanan ang apat : si Karlo ana mga magulang niya at ang kanyang lolo.. si Tatang Nardo!


   Natutunan:

                   HUWAG MAGTATANIM NA GALIT SA MGA MAGULANG!   

No comments:

Post a Comment